Problem/Goal: tuluyang mawalan ng pake sa in-laws
Context: feeling unwelcomed, unwanted, and feeling insecure to the new DIL
Previous Attempts: ...
hello ako lang ba ang nakaexperience na favorite ng MIL from the start but after magkaron ng mejo pag-asenso ang partner mo, nag-iba na pakikitungo sayo?
so when my hubs and i started dating (bf-gf palang kami), halos ligawan ako ng MIL ko. lagi nag dadala ng foods sakin, laging nagchachat, lagi akong pinupuri, lagi ako inaaya lumabas, and so on... which i was happy kasi i felt important and favored
after 2-3 years, nung nakapag abroad partner ko, dun na nagstart mag iba pakikitungo sakin ni MIL. felt like tinuring nya ko competition sa anak nya. basta nag-iba sya sakin so naging uncomfy ako, dinistance ko sarili ko sakanya kasi parang iba na nga yung pakikitungo sakin at feel ko napansin nya yun kaya mas lalo kami nag drift away.
for context: middle child partner ko and he started having mommy issues dahil naffeefeel nya na sya yung least favorite at least appreciated child at ginagawa syang breadwinner ng pamilya. ako naman as his partner, vinavalidate ko yung naffeel nya dahil totoo naman na ganun sya ituring and i feel bad for him, so because of this nagstart na ko mainis kay MIL to the point na iniiwasan ko talaga sya.
pero i still tried na makisama kung may pagkakataon kasi gusto ko maging maayos takbo ng relasyon namin ng partner ko. pero lalo ako nawalan ng gana kasi ilang beses ko na napapansin na ina-attitudan nya ko like iniirapan nya ko, sinisimangutan nya ko, tinataasan nya ko ng kilay, basta sinusungitan nya ko as in kala nya ata di ko nakikita.
and then it so happens na naffeel ko na yung dating pakikitungo nya sakin at yung closeness namin, lumipat na sa partner ng isa nya pang anak at yes mejo naiinggit ako at nasasad kasi parang sinasadya ba na ipakita sakin na wala na syang pake sakin. mabait parin naman sya pag nagkikita kame (pero ramdam kong pinaplastik nya lang ako) at di ko naman idedeny na ganun nalang din ako because i was hurt!
at syempre dahil gusto ko masaya buhay namin mag asawa (yes nahantong kami sa kasalan kahit ganyan pamilya nya) eh kahit alam kong my secret animosity sya sakin ay piniplease ko parin sya. ako lang ata sa lahat ng manugang nya ang laging nagbibigay sakanya ng gifts or anything na magugustuhan nya but parang feel ko di nya pa naaappreciate parang nahihiya pa sya sabihin sa ibang tao na binibigyan ko sya unlike pag ibang manugang nya nagbigay sakanya kahit ata tinapay lang bigay sakanya proud na proud sya hahahaha
at dahil nag ooverthink ako at nasstress ako over this drama. im really not comfy sharing a table with her anymore. ayoko sya makita, ayoko na sya bigyan ng kung ano mang gift, ayoko na makipag interact sakanya hanggat maaari gusto ko umiwas since kahit anong kabutihan gawin ko parang ako lagi yung nakikita nya/nilang dahilan kung bat lumayo anak/kapatid nila sakanila (yes pati mga kapatid ng partner ko parang iniiwasan ako e wala naman ako ginagawa sakanila)
i would still respect them and be civil despite the disrespect na nareceive ko sa family ng partner ko dahil pinalaki naman akong maayos ng magulang ko.
pero to anyone who has been in my situation. how did you get away with it? like yung hindi mo na iniisip kung ano man sabihin, gawin, or iparamdam nila sayo? yung mawalan ng pake? yung ok lang sayo na di na babalik sa dati yung dati nyong samahan? like wala ka na mararamdaman na inggit, inis, galit (kasi nakakaapekto din sa samahan naming mag-asawa dahil pag naffeel ko na dedma na ako sakanila yung inis at sama ng loob ko kay hubs ko naibubuhos)
i want our married life to be peaceful. sobrang sentimental ko kasing tao. it hurts na ganto yung nangyari but since may lamat na parang di ko na din kaya ibalik yung pakikitungo ko sakanila kasi napagod na din ako makisama.
any advices?