r/PanganaySupportGroup • • Nov 27 '25

Positivity Gentle reminder lang po

Post image
26 Upvotes

file:///var/mobile/Library/SMS/Attachments/0f/15/87EA0A6F-E418-411B-9B9E-855CC9FA3304/Screenshot%202025-11-23%20at%207.05.49%E2%80%AFPM.jpeg


r/PanganaySupportGroup • • Nov 24 '25

Discussion Stop normalizing financial abuse sa pamilya. Hindi ito utang na loob — abuso na ’to.

75 Upvotes

Hi everyone. Gusto ko lang mag-open ng discussion na matagal ko nang gustong ilabas. Sana mabasa ’to ng mga anak, ate, kuya, breadwinners, at kahit sino na lumaki sa culture ng utang na loob na hindi na healthy.

Lumaki tayong mga Pilipino na may mindset na “anak ka, tungkulin mong tumulong,” “dapat kang magbigay,” “ikaw na ang sasalba sa pamilya,” at “wala kang karapatang tumanggi.” Tinuro sa’tin na responsibility natin ang utang ng magulang, kapatid, lolo, pinsan, aso, pusa — lahat. At kapag tumanggi ka, ikaw pa ang masama, ikaw yung walang kwenta, ikaw yung “walang utang na loob.”

Pero kailan naging tama na gawing bangko ang anak? Kailan naging natural na ang love language ng Pilipino ay sacrifice to the point of self-destruction? Kailan naging okay na ubusin ang anak habang yung iba sa pamilya ay gumagawa ng mga decisions na irresponsable, tapos sa huli, ikaw pa ang sasaluhin?

This is financial abuse. Hindi lang basta “family culture.” Hindi lang basta “tulong.” Abuse siya kapag wala nang boundaries, wala nang respeto, at inaasahan ka na parang obligasyon, hindi request. Abuse siya kapag natatakot ka nang magbukas ng message kasi baka may bagong utang. Abuse siya kapag hindi mo na makita future mo dahil ikaw ang sumasalo sa future ng lahat.

And let’s be real: marami sa’tin napapagod na. Marami sa’tin umiiyak gabi-gabi dahil hindi natin alam paano i-balance ang sariling pamilya, sariling bills, sariling marriage, anak, at buhay… habang sinasalo pa natin ang mali ng ibang adults. At ang masakit, kadalasan hindi nila inaayos. Bakit? Kasi may “ikaw” na sasalo.

From a Christian perspective, gusto ko ito i-anchor. Madalas ginagamit ang Bible para i-pressure tayo: “Honor your parents.” Pero ang totoong context ng Ephesians 6:2-4 ay mutual responsibility. At malinaw sa 2 Thessalonians 3:10: “If anyone is not willing to work, let him not eat.” Hindi sinabing “anak, ikaw ang magbigay lagi para kumain sila.” Adults have their own responsibilities. Hindi mo kasalanan kapag hindi sila nag-manage ng pera nang maayos. Hindi mo tungkulin bayaran ang kakulangan nila. Hindi mo utos sa Diyos na maging martyr financially. Ang true honoring of parents is respect — not enabling sin, irresponsibility, or laziness. Boundaries are biblical. Stewardship of your own family is biblical. Pag-provide sa asawa at anak mo is biblical priority.

Kaya gusto ko lang sabihin sa lahat na nababasa ’to: pwede tayong tumanggi. Pwede tayong magsabi ng “Hindi ko kaya.” Pwede tayong mamili ng sarili nating buhay. Pwede tayong mag-trace ng generational line and say, “Dito na nagtatapos ang cycle na ’to.” Hindi ka masamang anak kapag pinoprotektahan mo sarili mo. Hindi ka masamang kapatid kapag ayaw mo nang masaktan. Hindi selfish ang boundaries; kinakailangan ’yan para mabuhay ka nang may dignity.

Kung ikaw ’to, yung pagod na pagod nang sumalo sa lahat, yung takot na ma-judge kapag tumatanggi, yung hindi na makahinga — kasama mo ako. Ang dami nating ganito. Ang dami nating ayaw lang magsalita. Pero kailangan na natin magising. Financial abuse is abuse. Utang na loob has limits. And love without boundaries will only create more brokenness.

Open post ’to. Gusto kong marinig stories niyo. How did you set boundaries? Paano kayo nag-heal? Or kung nasa loob pa kayo ng cycle, ano yung pinaka mabigat para sa inyo ngayon? Let’s talk. Let’s help each other break this.


r/PanganaySupportGroup • • 5h ago

Venting Hindi ko kasalanan kailangan niyo akong buhayin:)

3 Upvotes

I just got home from our educational tour, oo gumastos parents ko pang bayad sa tour, and pocket money ko, but how can they expect me not to ask for my weekly allowance after the tour:) when in fact yung pocket money ko binili ko ng mga pasalubong nila, and I sended it all to them.

Now galit sila kasi humihingi ako ng weekly allowance, sinasabi how much ang ginagastos nila sakin para lang paaralin ako sa isang mamahalin na university when it’s not even that expensive and kaya naman nila, bakit pag dating sakin yung mga bagay na kaya naman nila biglang nagiging mahal? yung university na nga lang ang super affordable, there were others naman, but ayaw nila, sinabi ko nga ayaw ko dito, pero pinilit nila ako, now suddenly it’s my fault bakit may pera silang nilalabas:)

I even remember my relatives telling me na sobra talagang cheapskate ng papa ko, they even asked me “pano mo kinakaya ang perang binibigay sayo?” and honestly I don’t know din, i’m already loosing my motivation to study, i was even supposed to get a check up and see a doctor pero sinabi ko titiisin ko na lang sakit ko kaysa sumbatan na naman ako na ang gastos ko, sorry ha if sakitin ako at obligation niyong paaralin ako, it always gets me mad kapag iniisip ko na bakit ba nagagalit ang magulang na kailangan nilang buhayin at paaralin mga anak nila, when the child didn’t even asked for it to live in the world nor choose the parents.

Tapos ako pa panganay sa anim naming magkakapatid, kaya sobrang hirap, hirap na hirap na ako sa academic pressure, hirap na hirap na rin ako kasi naghahanap ako ng paraan to earn my own money but it feels like my time keeps running out. 100 na lang pera ko, savings ko paubos na kasi minsan kumukulang pa ang binibigay nila kaya binabawas ko sa savings ko. Hindi nila alam kung gano kahirao mabuhah sa syudad, when did they last lived here, 17 years ago, and except na yung 500 kasya sa limang araw, tangina yung ulam na binibili ko ginagawan ko ng paraan para lang makakain ako ng dalawang beses aa isang araw. Ni hindi man lang nila ako kinakamusta, yung kaibigan ko concerned yung mama niya kasi sobrang hirap na kami sa program namin at pupunta na sa therapist, tangina magulang ko alam nila ang trauma ko pero iniisip lang yung pera.

Hindi ko na nga namimaintain sa pag inom ng supplements ko para lang hindi lumala sakit ko, kaso kinukulang na ang pera na pinapadala nila, i’m not even asking that much, pero bakit parang ang sama kong anak for asking my parents for the money they should be giving me without even me asking, porket na sa syudad ako they except na may trabaho ako tapos di na nila kailangan pa akong gastosan, ganda naman ng fantasy nila, ang hirap maging panganay.


r/PanganaySupportGroup • • 1d ago

Venting I lost my father to gambling (Not by death)

41 Upvotes

TW: Suicide Attempt

Long post ahead.

Kung sino man ang nagpalaganap, sumusuporta, at nagpasimuno ng online sugal, POGO, Sabong at kung ano-ano pang mapanira sa buhay ng ordinaryong pilipino, putangina ninyong lahat!!!!!

Hindi namatay ang tatay ko pero I've lost the father I've known and I've been longing for so long!

6 years old palang ako OFW na ang tatay ko. My mother had to raise me and my sisters alone pero hindi nakakalimot si papa magpadala ng sulat at hanggang sa nauso ang video call sa Yahoo! Growing up he was the father I looked up to. Hindi sya nagkulang sa pagpapa-intindi bakit kailangan nya umalis and how he wanted me to have a future so I can take care of our family and the family I will soon have on my own. Tuwing umuuwi sya sa Pilipinas, wala kami pagkakataon magbonding dahil nag aayos na ulit sya ng mga papel nya paalis.

2020 before magpandemic, finally umuwi na ang tatay ko from Middle East. Huling kontrata na nya yon at wala na sya balak bumalik. Noong mga panahon na yon, akala ko mabibigyan na kami ng pagkakataon makilala ang isa't-isa bilang tatay at anak. Noong una, oo. Ganon ang nangyari pero after pandemic doon na nagbago lahat. Naging tricycle driver si Papa sa amin. Napilitan ako mag working student kasi sinabihan na ako nila mama at papa na hindi na nila ako kaya paaralin ng college at papatapusin nalang nila ang mga kapatid ko hanggang senior high. Hindi nila sinasabi ang dahilan kung bakit pero obvious naman na wala na kaming pera.Tandang-tanda ko pa na sobrang iyak ako noon dahil hindi ko matanggap na hindi na ako makakapag-aral. Kaya nag working student nalang ako noon sa fast food hanggang sa nakagraduate at ako na ang sumusuporta sa mga kapatid ko ngayon.

Pero months ago, nalaman ni mama na nagsusugal pala ang tatay ko dahil may nagsumbong sa kanya na asawa ng kasama ni papa sa toda.

Nagsimula daw noong pandemic sa online sabong, hanggang sa napunta sa pagpunta-punta sa mismong sabungan hanggang sa natuto mag online casino at online lending app. Hinala ng nanay ko ay naimpluwensyahan ng mga kasama sa toda at mga tropa ng taga sa amin. Napansin din namin na madalas na syang hindi umuuwi buong araw at uuwi nalang para kumain at matulog. Madalas ay hindi pa nga kumakain. Akala namin ay kaya pang iwasan dahil noong nag-away sila nangako si papa na ititigil na nya. Binigyan namin sya ng pagkakataon!

Hanggang isang araw may tumawag sa nanay ko galing syang trabaho sa Makati as stay in kasambahay at day off nya. May tumawag na naniningil sa nanay ko about sa utang ng tatay ko at doon na nalaman na umabot na ng 800k ang utang ni papa at si mama ang ginawang guarantor. May nagsumbong din sa amin na nakasangla na raw ang bahay namin. Hinanap ng nanay ko lahat ng titulo ng lupa at rehistro ng mga motor sa mga gamit namin at doon nga namin nahuli na kasama sa sinangla ang mga documents. Iba-ibang tao ang inutangan nya kasama na ang bumbay. Sobrang nanlumo ang nanay ko dahil wala na kaming kahit anong hawak na property man lang nilang mag-asawa. All this time din pala na lahat ng pinapadala ni mama na kay papa dumidiretso ay sa pambayad utang lang.

Para kaming binagsakan ng langit at lupa. Dahil nalaman na namin lahat. Muntikan na laslasin ng nanay ko ang wrist nya sa sobrang sama ng loob dahil sa mga nalaman namin. Ako nalang ang pumigil at yakap ko sya non sa kusina. Pinapasok ko lang ang mga kapatid ko sa kwarto para di nila makita.

Kaya pala hindi na nila ako kayang pag aralin kasi doon pala binabayad ni papa mga pinapadala ni mama sa kanya nung sya na yung nagtrabaho sa Makati at sya nalang ang naiwan sa amin sa bahay. Buong akala ng nanay ko ang dahilan ay dahil hindi na nga aabot ang kinikita nilang dalawa para sa aming magkakapatid. Ginawa nyang tanga ang nanay ko pati na kaming mga anak nya.

Binigyan namin sya ng pagkakataon magbago pero inamin din nya na hanggang ngayon ay hindi pa din sya natigil. Ang dahilan nya? NAGHIHINTAY DAW SYA NG SWERTE NA BAKA SAKALI MANALO AT MABAYARAN NA LAHAT NG UTANG. Anong klaseng pag-iisip yooon!

Hindi na kinaya ng nanay ko at noong kalmado at nagpapalamig na kami ng sitwasyon kinausap na nya kami para sabihin na gusto na nya humiwalay. Nagdecide sya na hindi na sya uuwi sa bahay kahit day off nya pero sa amin na nya ididiretso ang padala. At naiintidihan namin kung bakit.

Hanggang ngayon hindi pa din tumitigil ang tatay ko sa bisyo nya. Kinain na sya ng pagsusugal. Parang mas kunteto pa sya na walang pumipigil sa kanya at kami nalang magkakapatid ang nagbabayad ng bills at kakainin sa bahay. Hindi ko na sya kilala. Hindi na sya yung taong nakilala ko, hindi na sya yung tao na palaging kinukwento ng nanay ko. Ni hindi na nya kaya umuwi sa bahay para makasama kami ng matagal. Parang ibang tao na ang umuuwi sa bahay para lang kumain at matulog. Hindi ito ang taong hinahangaan ko noon, ang minahal namin ng nanay ko.

Natatakot na din ako para sa mga kapatid ko dahil kung sino sino na ang pumupunta sa bahay namin para lang hanapin ang tatay ko at hindi ko mapigilan hindi ma-anxious dahil ang iba sa kanila ramdam ko na nagagalit na at kami lagi ang humaharap. Ayokong dumating sa punto na bigla nalang kaming pasukin sa bahay.

Hindi kami mayaman! Ordinaryong tao lang din kami. Hindi kami kumikita ng 50k sa isang buwan. 2 years palang ako nagtatrabaho after graduation. Wala pa akong malaking ipon. Pinipilit ko pa din mapag-tapos ang mga kapatid ko kasi ayoko mapariwara sila pero nahihirapan na din ako, na bakit umabot sa ganito. Nanlulumo ako bakit kailangan kami ang sumalo nito.

Ngayon, nakapag desisyon na din kami ng mga kapatid ko na aalis na din kami. May nakuha na kami ng nanay ko na mauupahan maliit lang pero at least alam ko na ligtas kami. Hindi na safe ang bahay para sa amin. Hindi na ito ang bahay na kinalakihan namin. Hindi na namin kilala kung sino na ang kasama namin.


r/PanganaySupportGroup • • 23h ago

Advice needed Don't know what to do 😞

6 Upvotes

If you guys are in my position, what would you do???

Context: I'm the breadwinner sa family namin, I'm the oldest of six children. Namatay na papa ko so ako na talaga lahat nag shoulder ng lahat ng gastusin, my husband helps me sa tuition ng kapatid ko sa nursing school which I'm so grateful kay God kasi napaka generous nya sa lahat ng bagay. I'm sending 30k for my mom every month, but sometimes aabot pa ng 35k kasi hihingi pa yan sya ng dagdag since every time di talaga naabot ng 1 month ang perang padala ko 😑 may 3 akong kapatid na nag aaral pa, one is in nursing school which is her allowance is separate from the 30k I'm sending, I'm giving her 10k for monthly allowance sa school and nagdagdag pa pag may extra bayarin, and dalawang kong kapatid na lalaki is nasa grade 11 and grade 7, which I know di naman masyado magastos kasi if they need something sa school nagbibigagy naman ako ng pera. Means, yung 30-35k for my mom is solely for the electricity (around 4k), water, and foods. And just so you know taga Mindanao kami, isang maliit na City. Yes, I'm fully aware na sa sobrang crisis sa Pinas mahal na lahat ng bilihin, that's why I always make sure to give them more than enough, pero bakit di enough? Always wala pang 1 month ubos na ang pera ng mama ko 🫤 tapos this month lang, 2 weeks palang ubos na ang pera and gusto nya na naman humingi pang bili daw ng ulam, I was shocked talaga, I feel like something is really wrong, so I told her I can't keep sending money every time she needs it kasi nagbibigay naman ako every month, diko na alam ang gagawin ko, and I actually found out na umutang sya ng pera but I don't know how much, sobrang nakakapanglumo. Parang ako pa yung masamang anak, parang di sya grateful sa lahat ng sakripisyo ko knowing na di naman pinupulot ang pera dito. Tapos ngayon, pinagsabi nya na sa ibang tao na kinokontrol ko sya kasi ako daw nagbibigay ng pera sa kanila (kahit di naman) and also, ang pangatlo kung kapatid ay working as Virtual assistant sa pinas, and kahit may pamilya na sya nag bibigay parin sya kahit papano sa mama ko pang dagdag and di sya nakatira samin, nakabukod sila. Means, dapat kakasya dapat talaga ang pera, pero bakit hindi? Bakit kami pa ang masama? Meron din naman akong mga plano sa buhay ko, bakit di nya yun naiisip, of all people dapat sya makaisip nun kasi mama ko sya. Nakaka sad talaga 😞 I'm 30 years old pa pala, asawa ko naman is 34 years old and wala pa kaming anak. Sorry kung mahaba, just wanna know if diba ako nag iisa sa ganitong situation. Hays!


r/PanganaySupportGroup • • 1d ago

Advice needed Is utang na loob still a Filipino virtue, or has it become a tool for emotional manipulation?

2 Upvotes

Hypothetical scenario lang.

Let's say may isang anak na pinagaral ng parents niya hanggang college. Hindi naman sila mayaman, pero they did what they could to provide for their child.

Fast-forward to when the child finally graduates and gets a job. Suddenly, the parents expect the child to shoulder every household expense, pay for their siblings' education, and sacrifice their personal dreams because "Kami ang nagpaaral sa'yo."

Whenever the child tries to set boundaries, sasabihin ng parents:

"Kung hindi dahil sa amin, wala ka sa narating mo ngayon."

Now, here's the complicated part: hindi naman talaga obligasyon ng anak na suklian lahat ng sacrifices ng parents niya with a lifetime of financial responsibility. But at the same time, hindi rin naman natin maikakaila na maraming Filipino parents ang nagsakripisyo talaga para sa kanilang mga anak.

So, where do we draw the line between gratitude and exploitation?

Does helping your parents become a responsibility you owe them forever, or should it be something you willingly give without being emotionally blackmailed into doing so?

And if a child chooses to prioritize their own future, does that automatically make them ungrateful?

Curious ako sa perspectives ng mga tao, especially those who grew up in Filipino households where utang na loob is practically a family law.


r/PanganaySupportGroup • • 1d ago

Resources Looking for research participants!

Thumbnail
1 Upvotes

hello!

I’m currently looking for someone to interview for our undergraduate thesis, it will only take 30-40 minutes of your time. The interview will be conducted via inline or face to face ^_^

Participant criteria:
• Filipino
• 18-35 years old
• A breadwinner who provides financial support to their family
• Provides financial support to at least one parent aged 50 years or older
• Has never been in a committed romantic relationship


r/PanganaySupportGroup • • 1d ago

Venting My thoughts on the system of our household

Thumbnail
1 Upvotes

r/PanganaySupportGroup • • 2d ago

Venting weaponized incompetence ng mga kapatid

22 Upvotes

iritang-irita ako tonight.

my youngest brother (20yo, btw) just asked me kung saan daw siya magpiprito ng hotdog :)

putanginang yan. ewan, try niya sa baso?

normally, ang haba ng pasensya ko sa mga taong genuinely kailangan ng tulong ko. pero sa bahay, sagad ang irita ko sa mga kabobohang tinatanong sakin.

saan magtatapon ng tubig na marumi ng mop? paano maglaba ng damit gamit kamay? nasaan ang shampoo (baka nasa ref)?

babad naman sila sa tiktok, kaya di ko minsan maatim na ako pa sasagot ng ibang tanong na common sense naman. gets ko if wala sila tiktok at di doomscroller, kaso hindi naman?

ginigigil ako.


r/PanganaySupportGroup • • 1d ago

Discussion hindi gagawin retiredment plan ang anak

3 Upvotes

sasabihin ko sa anak ko hindi niya kailangan sustentuhan ung mga gamot ko pag lumalaki na siya mag work or mag business parin ako para may pang expenses parin ako sa sarili ko para hindi kailangan ng anak ko maging problema ako mag tumanda.


r/PanganaySupportGroup • • 1d ago

Advice needed Incoming SHS student ang younger sister ko. Which is better, Fort Bonifacio High School or Benigno S. Aquino High School?

1 Upvotes

Hello, mga ate! Hihingi lang sana ako ng advice, especially sa mga taga-Taguig or may experience sa public schools dito. 🥹

I’m planning to transfer my younger sister to a public school for Senior High School, and currently, ang pinagpipilian ko ay Fort Bonifacio High School and Benigno S. Aquino High School.

As an ate, gusto ko sana na makapag-aral siya sa school na maayos ang learning environment, quality ang education, at safe para sa students. Ideally, gusto ko rin sana na malapit lang sa workplace ko para mas convenient in case may kailangan siyang asikasuhin sa school.

Sa mga nag-aaral, dating students, parents, or teachers from these schools, kamusta naman po ang experience ninyo?

Specifically, gusto ko sanang malaman:

• Kamusta ang quality of education and teachers?  
• Maayos ba ang school environment and student discipline?  
• Safe ba ang students, and kamusta ang overall school culture?  
• Kumusta ang SHS program nila? May particular strengths or issues ba?  
• Alin sa dalawa ang mas marerecommend ninyo, and why?

I’m trying to make the best decision for my sister kasi gusto ko sanang makapasok siya sa school na makakatulong sa kanya academically and personally, especially since SHS is an important stage before college.

Open din ako sa honest opinions, pros and cons, and other suggestions for public SHS around Taguig, if may mas magandang options pa.

Thank you so much sa mga sasagot! Super appreciated. ❤️


r/PanganaySupportGroup • • 1d ago

Discussion Looking for participants to interview for psychology research

1 Upvotes

Hi! I’m currently taking a Masters in Psychology and doing a phenomenological research about the religious families affected by suicide.

I’m looking for online participants who are willing to have an online interview in line with this research. I need participants who are religious/from a religious family that have an immediate family member who attempted or died by suicide.

If you have someone you think can be a participant and can have this interview with me, that would be super helpful!! This research would help understand the perspectives and experiences of religious families affected by suicide and how their faith intersects with their experience.

Please comment or send a dm!!


r/PanganaySupportGroup • • 2d ago

Venting I have so much potential then this

5 Upvotes

Let me rant please. I need this. Ever since i passed the boards last 2018. I started working mostly for my parents. Sorry pero ang palpak ng diskarte nila, both came from a toxic filipino household. Both hanggang sa nagkapamilya sila takbuhan ng mga kapatif pamangkin at lahat. Nung may pera at trabaho hindi nag ipon, hindi nag isip para sa kinabukasan nila naming anak nila. Ang dami kong tiniis, sakripisyo at lahat. Pero hindi naman sila demanding or nagpipilit pero pagod na pagod nalang talaga ako. Pano ako? Im 31 walang ipon, walang insurance wala lahat. I cant resign from work kasi paaral nila ako for masters, maliit sweldo pero okay naman ang medical benefits umaabot ng almost 90 percent pag naconfine 75 percent sa meds, check up and all. Yun nga lang namamasahe ako. From Cavite to Manila. Food pa. Sabi ko kay mama gabi palang prep na ang baon i-ref tapos reheat sa office pero ayaw kasi hindi daw maganda yung ganun maraming nagkakasakit. Nasobrahan sa pagiging health freak pero mas naniniwala sa videos ng kung sino sino kesa sa doctor. Ngayong gabi lang nagrant ako kasi yung 2k na pinasalo muna sakin pang meralco di pa nababalik may bill nanaman credit card lang gamit ko. Wala na ako pang abono. 24k nakukuha ko a month. Ang naiaambag ko ay 14k. Hindi ako sapagkain. Yung father ko engineer di nagboards. So on off sa abroad. Last uwi niya 2016 bago pa ko gumraduate ayaw na bumalik. Gusto nalang magtricycle. Eh nabenta pa ng kapatid ng mother ko ang sarili naming tric at prangkisa ng di nagpapaalam kasi perwisyo mga kapatid nila. Yung kapatid ko waiting sa results ng boards kaya di makahelp. Looking ng call center di matanggap sabi ko kasi bulol ka. Nagalit si mama baka ano daw isipin, nasasaktan daw. Ako? Di ba ko nahihirapan? Lagi option nila mangutang, magloan mag home credit na ang ending ako ang sumasagot. Twice silang nagpa loan sakin sa homecredit sabi sila ang magbabayad pero ako din pala 4 years yun. Ngayon hinihingi ko na yung 2k kasi deadline na. 500 palang daw nag iipon kasi nung tumaas ang gasolina nag 5 6 sila dahil kulang ang kita. Tapos nagbayad ng boundary pati pension ni mama na dating sapat for bills nakukuha na. Pati konting ipon napagdiskitahan. If i can give more i will. My god. I am still thankful na they are not demanding, they take care of us pero i am exhausted to the bones. Dalawa na work ko pero kulang pa rin. I cant resign kasi i cannot pay naman. Ang dami pang nangyayari ang daming nangyari. Sabi ko pano ako pag tanda ko? Kelan ako magtatrabaho ng sakin lang. Hanggang ugod ugod na ako nagtatrabaho pa rin ako? Nasabi ko din na pag dumating sa panahon na yun lasunin ko nalang sarili ko ayokong tumanda sa kalsada. Valedictorian ako, top ako sa klase namin nung college, passed the boards one take, i have good grades sa masters ko pero na stop kasi i dont have the fund yet to finish my thesis. Imagine 3k na compre di ko pa kaya, 1500 na stat di ko afford? Nakakaiyak. I was promised na magiging doctor ako, pangarap ko yun. Hanggang ngayon gusto ko pa ring maging doctor. Pucha, i am more than my situation right now. Parang hindi matatapos ganito nalang ata ako. Yung mga kakilala ko, classmates, cointern, bathcmates, high school friends na doctor na and sige mayabang na pero mas matalino ako sakanila eh. Kaya ko rin alam ko kaya ko. Yung mga kaedad ko are doing good, building a good life for themselves and their family. Dont get me wrong gusto kong tumulong i want to help. Kung kaya ko lang na saluhin lahat pucha kahit naka aircon sila everyday 24 7 walang gagawin. Naaawa na din ako pero i never had the safety net. Im planning to go abroad or look for public healrg realted work after my 2 year bond sa work ko. Im sorry for this. Alam kong others have it worse than me. But i am tired. Very tired. Pano ba tanggapin na di ko nako magiging doctor. Habang buhay na ata akong masasaktan habang buhay ko ng multo ang pagiging doctor. Please be kind. I want to vent lang. I dont need unkind words.


r/PanganaySupportGroup • • 2d ago

Venting FILIPINOS TOXIC TRAITS

3 Upvotes

Ginagawang investment yung anak. This is for those people who tend to say that child are indebt to their parents since they'd born their child in this world. I'm not saying that child doesn't have debts, I'm just saying that your resposibilities are not included, such as (giving them shelters, giving them food, and sending them to school). How you could say that child has debt on you if you can't even provide for basic needs of your child, tapos sisingilin mo pa, sasabihin mo na walang utang na loob!? Fuck nahhh, the worst is, they will force their child to work even they're currently studying and not yet at legal age to work. Yes it is not impossible to handle work and study, but just say that you can't provide for your childs ma'am, anak ka ng anak tapos isusumbat mo lang sa anak mo lahat ng nabibigay mo na di naman din galing sayo like wth??? I am currently in this situation rn. Idk what to do I am currently trying to find work so I could live by myself in the future after turning 18 and have my own work.


r/PanganaySupportGroup • • 2d ago

Venting Eldest daughter became the angriest man in the house

31 Upvotes

Napansin ko kasi na lagi galit yung interaction ko sa papa ko. Naguiguilty ako after kasi nagtatampo sya. We live separately. Madalas sya pumupunta dito to do something sa bahay--magpalit ng tubig and other simple things. I do appreciate it pero di kasi ako showy sa feelings ko. Single dad pala sya. Recent lang sya nagkarelationship, mga 2 years ago. At 31 na ako. My problem is communication. Im really bad at it. One reason yun kung bakit one of my relationship fell apart. But, i did try to be better next relationship ko, pati sa friends ko, in terms of communication. Pero ang hindi ko maayos is the way i communicate sa bahay. Siguro kasi lumaki ako ng di rin kinakausap. And marami akong pent up resentment sa kanya. Not simple problems, really big ones na i cant seem let to of. Wala akong pang therapy po. Haha. Poorita mirasol. So ayun, pabagsak ni papang sinara yung pinto kasi pagalit na naman ang pakikipagusap ko sa kanya. I cant fucking help it. Napapansin ko kapag galit na rin sya.


r/PanganaySupportGroup • • 2d ago

Support needed What are the experiences of people raised in extended families? [FOR THESIS]

Thumbnail
1 Upvotes

r/PanganaySupportGroup • • 2d ago

Positivity Looking for Panganays who qualify for these criteria, we need you po 🙏

Post image
4 Upvotes

r/PanganaySupportGroup • • 2d ago

Discussion Do you regret for not choosing yourself in the first place?

1 Upvotes

r/PanganaySupportGroup • • 3d ago

Positivity Finally got to share this to the fam—just finished my vocational training at 29, manisfesting for a degree soon :)

Thumbnail
gallery
198 Upvotes

I've been working since I was 16 and always dreamt of having a degree pero need mag provide eh. So I secretly enrolled in a foundation that provides vocational training while working. Ang alam ng lahat is nagwowork lang ako but the truth is I'm pursuing higher education while working :)

Hindi nag celebrate and hindi rin aakyat ng stage. I'll be saving it for later.

For now ito muna, maybe in 5 or 10 years I'll finally get my degree. It doesn't matter kahit gaano pa katagal, but I will. I know I will.

Laban lang ! :)


r/PanganaySupportGroup • • 3d ago

Support needed As the panganay, what was the best advice that you have received your whole life?

2 Upvotes

r/PanganaySupportGroup • • 3d ago

Venting My aunt hates me

2 Upvotes

It started small nung bata pa ako like di naniniwala sa mga sinasabe ko, pag may mga pasalubong ako ang last to pick, ako palagi ang mali or sinisisi. But when my younger siblings will do something wrong, they will blame it on me kase im not guiding them enough or di ko sila tinatake care

Tas nung nagcollege ako nagkaroon akong PL Award, like i was so proud of my achievement. Tapos behind my back sinasabe niya “Culinary lang kase siya luto luto lang yun” like hello??? Hindi lang “luto lang” ang culinary. Like may business subjects, marketing subjects, tourism subjects, basic accounting subjects, hrm subjects, etc. Tapos pag nagluluto ako for the family, kapag pinupuri ako g masarap ang ginawa ko she will always say na “pinapaniwala niyo siya sa mga bola niyo sakanya” but then she still proceeds to get more of what i cooked💀

Then ngayon, she is picking on me kase “mataba” ako. Like eh mas malaki nga siya sakin pero maka sabi siyang mataba ako parang im the fattest one in the room. And all of her clothes na di na kasya saakin napupunta hahahahaha. And pinagmamalaki niya nag OMAD siya pero if titignan mo pang 4 meals ang OMAD niya 💀


r/PanganaySupportGroup • • 3d ago

Venting Ang hirap mag-open up sa parents tas sa dulo ikaw pa bibigyan ng silent treatment

2 Upvotes

Problem/Goal:

Pano ko ba iha-handle si mama na laging nauuwi sa guilt-tripping, panunumbat sa past decisions ko, at silent treatment pag nagkaka-argument kami? 

Context:

Hays another argument na naman with my mother. Sabi niya kasi wag daw ipopost ung mga achievements (tulad nung nakapasa ng board exam tas gagawan ng tarpaulin) kasi di raw lahat matutuwa. Sabi ko anong masama maging proud sa na-achieve mo? Kung mainggit sila, e di mamatay sila sa inggit. Di ko naman ipopost kung saan galing pera ko, o pag nagkabahay o cellphone ako. Sabi niya di niya raw jinajudge pero judgement na yon (kaya lumaki kaming "ano na lang iisipin ng iba" e). 

Tas naging argument na. Sinabi ko kasi na kaya lagi ko iniisip sinasabi ng iba ay dahil din sa mga sinasabi at pinagbabawal nila (napapasa din kasi sayo ung ganung mindset). Bigla ba namang naging sarcastic—kesyo mali raw pala pagpapalaki at mga payo nila, at di raw kasi ako obedient. Di naman lahat ng sinasabi ng parents tama, pero ayaw nila aminin na may wrong din sila.

Tapos binalik na naman niya ung bat di raw ako nagpacheckup noon sa psychologist/psychiatrist nung may pera ako. Sinisisi niya rin lagi ung travels at pag-eenroll ko sa hobby classes noon (nag-enroll enroll daw ako e may nakukuha daw ba ako ngayon). Like why do they always judge ung mga bagay na nangyari na at di na mababalik? Kaya lang din naman ako nagttravel at nag-eenroll sa ganun noon kasi dun lang ako sumasaya. I think I'm suffering from depression and they make me much more depressed.

Previous Attempts:

Nagpaconsult naman talaga ako dati both sa psychologist at psychiatrist (2x pa, and they suspected ADHD). Di ko lang ma-afford ituloy kc nagpapa-PT rin ako at the same time. 

Sinabi ko rin kay mama bat di siya mag-research, kasi ako nagreresearch ako tungkol sa mental health ko at kung pano dapat i-handle ung ganito. Inexplain ko na minsan aware naman ung tao sa mental health problem nila at di nila need ng advice agad (na pag di mo sinunod, disobedient ka na)—minsan they just need someone to hold space for them. To just be there.

Kaso sabi niya di na raw nila kailangan magresearch kasi kung ano ung realidad un ung susundin nila. Tas naging sarcastic pa, sabi niya "o sige di na kita papayuhan sasabihin ko na lang tama yang ginagawa mo." Ngayon isasilent treatment na naman niya ako, na pinaka-ayoko sa lahat.


r/PanganaySupportGroup • • 3d ago

Discussion CALL FOR PARTCIPANTS — GET ₱500 GCASH

Post image
0 Upvotes

r/PanganaySupportGroup • • 3d ago

Advice needed How to overcome panganay guilt when spoiling yourself

1 Upvotes

Hello po!

I don’t have an ate or kuya na I can ask so I’m asking here na lang po :)

I want to buy a new phone (17 pro or 18 pro). For context, my current phone is 11 pro (64gb) which I’ve had since 2021 (hand me down lang po). Halos wala na po akong ma-pic/video.

I’ve been working in an MNC for 2 years now, earning Php 60k+/month and I think time na po to buy a new phone. Panganay po ako pero di naman po ako breadwinner since may business po kami. Pero hindi rin po ako maluho, at hirap ako lagi na i-spoil yung sarili ko kasi nakaka-guilty. Pero kapag sa mga kapatid ko po pag hiningi nila, gusto ko nabibigay ko agad.

Pero parang need ko na po talaga ng new phone. My problem is, my financing options are limited. My credit limit is not that high. I don’t want to pay for it in cash since ayoko po maubos yung savings ko. I’m thinking if I should/can do installment (24 months).

Should I buy na po? What are my other options? Would appreciate any advice po. Thank you 🙏🏻


r/PanganaySupportGroup • • 3d ago

Venting Just because kakilala ka nila

1 Upvotes

Just wanna release these thoughts been bothering me for a while now.

I have this common relative sa isang baryo, few months ago, may family outing sila and was looking for a service and a driver.

They booked my Papa (he is a jeepney driver, jeep not owned) kasi kakilala nila, well not just kakilala, personal na kilala at kamag anak din. Kaya walang RESERVATION FEE. Knowing may papa na madaling magtiwala. My papa canceled his important schedule that weekend to accomodate them.

So yung driver at jeep prepared na lahat, tapos biglang KINANCEL yung book sakanya. Emergency? NO. They booked someone instead.

Imagine bilang anak makita mo how devastated your parent was.

Inaccomodate niya knowing na di siya lolokohin dahil matagal na niyang kilala tong mga to bata pa mga yon.

Habang sila tuloy ang SAYA. Yung taong pineste nila sira ang lakad at mga preparations na ginawa.

Nakakagalit, personal ko din kilala tong mga to, genuinely supporting them growing. Dibale sana kung emergency e, maiintindihan pa. Di man lang nahiya just because sakanila walang mawawala.

I have no personal vendetta sa mga taong to, pero kung magulang m ona yung babastusin nila, THAT'S A DIFFERENT STORY FOR ME.

Yes, nanahimik ako. I didn't confront them kahit gustong gusto ko. Pero for the sake of my inner peace and still respect. I didn't stoop low.

And YET, recently one of their co-relative had a medical emergency. Anong ginawa? Nag house to house para humingi ng help, umiiyak. May parents who doesn't have income anymore parang required magbigay, kasi sa lugar na yon, pag dika nag bigay outcast kana at dami na ebas. Nakalimutan na lahat ng mabuting ginawa pati pagiging mabuting tao mo. Yes. Ganon sila kalala. Nahihiya mga magulang ko na di magbigay ofcourse. Tingin kasi ng mga tao don responsibilidad namin sila. As anak, di mo matiis na ganon iniisip nila, walang peace of mind. So we donate. Nag thank you ba yung nangailangan? Malay ko. We donate kasi para sa bata na naospital and not sure kung tunay ba ang dahilan ng pagkaospital kasi yung problem sa bituka ay di madaling journey para sa isang bata.

Then what, few days later may pa dinner with the fam. Na kami mismo di namin nagagawa dahil busying kumayod at magbayad ng bills. Ni hindi pa nga makapag bigay ng consistent sa magulang. Nauna pa ibang tao.

Then yun nga,

Nakalabas na pala. Ang problema sa bituka most of the time involves surgery talaga and magppile up ang bills. Kahit na ang cause ay sa kapabayaan din ng nanay nung nagbubuntis.

Pati bills niyo sa ospital. Responsibilidad ng buong community!?

Again, I have nothing against kung emergency. Pero yung san ninyo nakukuha kakapalan ng mukha mamalimos kasi walang pambayad ng bills pero may pang dinner outside?!

For the record, di madamot pamilya ko kahit walang wala na hahanap yan ng paraan.

We grew up with my parents own hardwork at sa utang, napatapos kami habang ang ambag ng mga kamag anak namin at chismosang kapitbahay ay puro chismis at paninirang puri.

Elementary ka palang, di makakatapos yan ng pag aaral.

Naka graduate hanggang college. Pag tungtong mo ng 18, mag aasawa din yan.

Nag karoon ka ng cool off period after you graduate.

Ay, nakagraduate nga wala naman trabaho.

Nung NAGKATRABAHO, responsibilidad mo na pati pambili ng cake ng anak ng taong never man nag hi sayo. HAHAHHAHAHA.

Dibaaa???? THE AUDACITY!

MAGKAKAPAMILYA PA YAN.

NAPAKA UNFAIR PERO WE CHOOSE TO LIVE IN PEACE AND SILENCE. ONE THING I ONLY PROMISED TO MYSELF IS THAT, NOT TO TOUCH MY PARENTS OR ELSE THEY WILL SEE FOR THE FIRST TIME OF THEIR LIVES THE DISRESPECT THEY DESERVED. CHARIS.

.

.

.

.

AND YET, HERE I AM LORD ASKING FOR HELP TO HEAL OUR WOUND FROM THE PAST AND LOOK FORWARD TO THE FUTURE YOU SET FOR US.

PLEASE HEAL MY PARENTS HEART, ME AND MY SIBLINGS HEART.

SANA KAMI NAMAN LORD PUMALDO NG WALANG TINATAPAKAN NA IBANG TAO.

MAY FAMILY ESPECIALLY MY PARENTS DESERVE MORETHAN THIS.

EVILNESS IS EVERYWHERE LORD, BUT MAY YOUR GOODNESS REMAIN.