r/PanganaySupportGroup • • 11h ago

Venting I lost my father to gambling (Not by death)

21 Upvotes

TW: Suicide Attempt

Long post ahead.

Kung sino man ang nagpalaganap, sumusuporta, at nagpasimuno ng online sugal, POGO, Sabong at kung ano-ano pang mapanira sa buhay ng ordinaryong pilipino, putangina ninyong lahat!!!!!

Hindi namatay ang tatay ko pero I've lost the father I've known and I've been longing for so long!

6 years old palang ako OFW na ang tatay ko. My mother had to raise me and my sisters alone pero hindi nakakalimot si papa magpadala ng sulat at hanggang sa nauso ang video call sa Yahoo! Growing up he was the father I looked up to. Hindi sya nagkulang sa pagpapa-intindi bakit kailangan nya umalis and how he wanted me to have a future so I can take care of our family and the family I will soon have on my own. Tuwing umuuwi sya sa Pilipinas, wala kami pagkakataon magbonding dahil nag aayos na ulit sya ng mga papel nya paalis.

2020 before magpandemic, finally umuwi na ang tatay ko from Middle East. Huling kontrata na nya yon at wala na sya balak bumalik. Noong mga panahon na yon, akala ko mabibigyan na kami ng pagkakataon makilala ang isa't-isa bilang tatay at anak. Noong una, oo. Ganon ang nangyari pero after pandemic doon na nagbago lahat. Naging tricycle driver si Papa sa amin. Napilitan ako mag working student kasi sinabihan na ako nila mama at papa na hindi na nila ako kaya paaralin ng college at papatapusin nalang nila ang mga kapatid ko hanggang senior high. Hindi nila sinasabi ang dahilan kung bakit pero obvious naman na wala na kaming pera.Tandang-tanda ko pa na sobrang iyak ako noon dahil hindi ko matanggap na hindi na ako makakapag-aral. Kaya nag working student nalang ako noon sa fast food hanggang sa nakagraduate at ako na ang sumusuporta sa mga kapatid ko ngayon.

Pero months ago, nalaman ni mama na nagsusugal pala ang tatay ko dahil may nagsumbong sa kanya na asawa ng kasama ni papa sa toda.

Nagsimula daw noong pandemic sa online sabong, hanggang sa napunta sa pagpunta-punta sa mismong sabungan hanggang sa natuto mag online casino at online lending app. Hinala ng nanay ko ay naimpluwensyahan ng mga kasama sa toda at mga tropa ng taga sa amin. Napansin din namin na madalas na syang hindi umuuwi buong araw at uuwi nalang para kumain at matulog. Madalas ay hindi pa nga kumakain. Akala namin ay kaya pang iwasan dahil noong nag-away sila nangako si papa na ititigil na nya. Binigyan namin sya ng pagkakataon!

Hanggang isang araw may tumawag sa nanay ko galing syang trabaho sa Makati as stay in kasambahay at day off nya. May tumawag na naniningil sa nanay ko about sa utang ng tatay ko at doon na nalaman na umabot na ng 800k ang utang ni papa at si mama ang ginawang guarantor. May nagsumbong din sa amin na nakasangla na raw ang bahay namin. Hinanap ng nanay ko lahat ng titulo ng lupa at rehistro ng mga motor sa mga gamit namin at doon nga namin nahuli na kasama sa sinangla ang mga documents. Iba-ibang tao ang inutangan nya kasama na ang bumbay. Sobrang nanlumo ang nanay ko dahil wala na kaming kahit anong hawak na property man lang nilang mag-asawa. All this time din pala na lahat ng pinapadala ni mama na kay papa dumidiretso ay sa pambayad utang lang.

Para kaming binagsakan ng langit at lupa. Dahil nalaman na namin lahat. Muntikan na laslasin ng nanay ko ang wrist nya sa sobrang sama ng loob dahil sa mga nalaman namin. Ako nalang ang pumigil at yakap ko sya non sa kusina. Pinapasok ko lang ang mga kapatid ko sa kwarto para di nila makita.

Kaya pala hindi na nila ako kayang pag aralin kasi doon pala binabayad ni papa mga pinapadala ni mama sa kanya nung sya na yung nagtrabaho sa Makati at sya nalang ang naiwan sa amin sa bahay. Buong akala ng nanay ko ang dahilan ay dahil hindi na nga aabot ang kinikita nilang dalawa para sa aming magkakapatid. Ginawa nyang tanga ang nanay ko pati na kaming mga anak nya.

Binigyan namin sya ng pagkakataon magbago pero inamin din nya na hanggang ngayon ay hindi pa din sya natigil. Ang dahilan nya? NAGHIHINTAY DAW SYA NG SWERTE NA BAKA SAKALI MANALO AT MABAYARAN NA LAHAT NG UTANG. Anong klaseng pag-iisip yooon!

Hindi na kinaya ng nanay ko at noong kalmado at nagpapalamig na kami ng sitwasyon kinausap na nya kami para sabihin na gusto na nya humiwalay. Nagdecide sya na hindi na sya uuwi sa bahay kahit day off nya pero sa amin na nya ididiretso ang padala. At naiintidihan namin kung bakit.

Hanggang ngayon hindi pa din tumitigil ang tatay ko sa bisyo nya. Kinain na sya ng pagsusugal. Parang mas kunteto pa sya na walang pumipigil sa kanya at kami nalang magkakapatid ang nagbabayad ng bills at kakainin sa bahay. Hindi ko na sya kilala. Hindi na sya yung taong nakilala ko, hindi na sya yung tao na palaging kinukwento ng nanay ko. Ni hindi na nya kaya umuwi sa bahay para makasama kami ng matagal. Parang ibang tao na ang umuuwi sa bahay para lang kumain at matulog. Hindi ito ang taong hinahangaan ko noon, ang minahal namin ng nanay ko.

Natatakot na din ako para sa mga kapatid ko dahil kung sino sino na ang pumupunta sa bahay namin para lang hanapin ang tatay ko at hindi ko mapigilan hindi ma-anxious dahil ang iba sa kanila ramdam ko na nagagalit na at kami lagi ang humaharap. Ayokong dumating sa punto na bigla nalang kaming pasukin sa bahay.

Hindi kami mayaman! Ordinaryong tao lang din kami. Hindi kami kumikita ng 50k sa isang buwan. 2 years palang ako nagtatrabaho after graduation. Wala pa akong malaking ipon. Pinipilit ko pa din mapag-tapos ang mga kapatid ko kasi ayoko mapariwara sila pero nahihirapan na din ako, na bakit umabot sa ganito. Nanlulumo ako bakit kailangan kami ang sumalo nito.

Ngayon, nakapag desisyon na din kami ng mga kapatid ko na aalis na din kami. May nakuha na kami ng nanay ko na mauupahan maliit lang pero at least alam ko na ligtas kami. Hindi na safe ang bahay para sa amin. Hindi na ito ang bahay na kinalakihan namin. Hindi na namin kilala kung sino na ang kasama namin.


r/PanganaySupportGroup • • 8h ago

Support needed Doomsday

Thumbnail
0 Upvotes

r/PanganaySupportGroup • • 8h ago

Advice needed Don't know what to do 😞

2 Upvotes

If you guys are in my position, what would you do???

Context: I'm the breadwinner sa family namin, I'm the oldest of six children. Namatay na papa ko so ako na talaga lahat nag shoulder ng lahat ng gastusin, my husband helps me sa tuition ng kapatid ko sa nursing school which I'm so grateful kay God kasi napaka generous nya sa lahat ng bagay. I'm sending 30k for my mom every month, but sometimes aabot pa ng 35k kasi hihingi pa yan sya ng dagdag since every time di talaga naabot ng 1 month ang perang padala ko 😑 may 3 akong kapatid na nag aaral pa, one is in nursing school which is her allowance is separate from the 30k I'm sending, I'm giving her 10k for monthly allowance sa school and nagdagdag pa pag may extra bayarin, and dalawang kong kapatid na lalaki is nasa grade 11 and grade 7, which I know di naman masyado magastos kasi if they need something sa school nagbibigagy naman ako ng pera. Means, yung 30-35k for my mom is solely for the electricity (around 4k), water, and foods. And just so you know taga Mindanao kami, isang maliit na City. Yes, I'm fully aware na sa sobrang crisis sa Pinas mahal na lahat ng bilihin, that's why I always make sure to give them more than enough, pero bakit di enough? Always wala pang 1 month ubos na ang pera ng mama ko 🫤 tapos this month lang, 2 weeks palang ubos na ang pera and gusto nya na naman humingi pang bili daw ng ulam, I was shocked talaga, I feel like something is really wrong, so I told her I can't keep sending money every time she needs it kasi nagbibigay naman ako every month, diko na alam ang gagawin ko, and I actually found out na umutang sya ng pera but I don't know how much, sobrang nakakapanglumo. Parang ako pa yung masamang anak, parang di sya grateful sa lahat ng sakripisyo ko knowing na di naman pinupulot ang pera dito. Tapos ngayon, pinagsabi nya na sa ibang tao na kinokontrol ko sya kasi ako daw nagbibigay ng pera sa kanila (kahit di naman) and also, ang pangatlo kung kapatid ay working as Virtual assistant sa pinas, and kahit may pamilya na sya nag bibigay parin sya kahit papano sa mama ko pang dagdag and di sya nakatira samin, nakabukod sila. Means, dapat kakasya dapat talaga ang pera, pero bakit hindi? Bakit kami pa ang masama? Meron din naman akong mga plano sa buhay ko, bakit di nya yun naiisip, of all people dapat sya makaisip nun kasi mama ko sya. Nakaka sad talaga 😞 I'm 30 years old pa pala, asawa ko naman is 34 years old and wala pa kaming anak. Sorry kung mahaba, just wanna know if diba ako nag iisa sa ganitong situation. Hays!


r/PanganaySupportGroup • • 9h ago

Advice needed Is utang na loob still a Filipino virtue, or has it become a tool for emotional manipulation?

2 Upvotes

Hypothetical scenario lang.

Let's say may isang anak na pinagaral ng parents niya hanggang college. Hindi naman sila mayaman, pero they did what they could to provide for their child.

Fast-forward to when the child finally graduates and gets a job. Suddenly, the parents expect the child to shoulder every household expense, pay for their siblings' education, and sacrifice their personal dreams because "Kami ang nagpaaral sa'yo."

Whenever the child tries to set boundaries, sasabihin ng parents:

"Kung hindi dahil sa amin, wala ka sa narating mo ngayon."

Now, here's the complicated part: hindi naman talaga obligasyon ng anak na suklian lahat ng sacrifices ng parents niya with a lifetime of financial responsibility. But at the same time, hindi rin naman natin maikakaila na maraming Filipino parents ang nagsakripisyo talaga para sa kanilang mga anak.

So, where do we draw the line between gratitude and exploitation?

Does helping your parents become a responsibility you owe them forever, or should it be something you willingly give without being emotionally blackmailed into doing so?

And if a child chooses to prioritize their own future, does that automatically make them ungrateful?

Curious ako sa perspectives ng mga tao, especially those who grew up in Filipino households where utang na loob is practically a family law.