r/AntiworkPH • u/Ambitious_Ship8854 • 18h ago
Rant 😡 VA Agency bawal magkasakit…removed MS teams access without proper documentation
Title as stated, bawal magkasakit sa va agency na napasukan ko, 2 na yung tinanggal nila na kawave ko dahil nagkasakit kasama diyan yung top performer namin sa wave.
Problema ngayon may sakit din ako at hinaharass ako ng mga boss namin na pumasok ginawa ko pumasok ako kahapon kahit linagnat ako sinubukan ko pa din pero nung umakyat ng 39 lagnat ko sabi ko sa VA Agency na hindi ko na kaya —-ang sagot sa akin eh eto:
“Please take this as your warning that we will not match you to a client, you will not be prioritized because being sick shows unreliability”
Hindi ko na screenshot kaagad nawala na yung message ngayon ang nakalagay nalang eh “ok come back when you are well”
Pag naka float ka kasi nag cacalls ka pa din, sales call para dun sa pinaka client company nila tapos may allowance ka na 5K, 8 hours outbound calls ikaw gagawa ng leads mo na sarili pero yung mga closed mo sila kumikita. Lahat ng leads ikaw din maghahanap, so lahat ikaw, on cam din the entire shift ang CR 2 mins lang max 3 mins etc
Ang tanong ko: worth it pa ba ituloy sa kanila o hanap na ng iba? Yung isang natanggal nakausap ko at ang sabi sa akin bigla nalang daw nawala ang credentials niya sa MS Teams walang sabi sabi kahit documented naman na may sakit talaga siya. At parang ganon na din ang gagawin sa akin kahit may mga documents ako.