I’ve been seeing a lot of posts about people getting demotivated due to survey results. I heard a famous radio personality mentioned that the change we’re looking for may not happen in this generation.
Nakalulungkot.
Nakababahala.
‘Wag tayong magpadala sa mga mind-conditioning, paid surveys and real-time Q&A videos about “Sino ang iboboto mo?”
I remember a sad realization during the 2022 election. A lot of those who I shared the same thoughts with, a similar list of candidates for good governance did not end up getting the actual votes they deserved.
A lot of those who joined the multiple rallies did not make it at their local precincts.
Hindi nakaboto.
Hindi bumoto.
Hindi nagpursigi upang mabilang ang kanilang boto.
Maraming rason at sirkumstansiya kung bakit ganoon ang nangyari.
If you think about it, the same principle applies, ang surveys at random Q&A about mock elections are done by sampling. Maliit na porsyento. Ilan nga ba sa kanila ang tunay na uuwi na may tinta ang kanilang mga daliri?
Ang magiging kaibhan at magdudulot ng tunay na pagbabago ay ang ating pagtindig, pakikipag-usap, pakikipag-dayalogo at pagsusumikap ngayon at hanggang sa sandaling mabilang ang ating mga boto.
Ang tunay na pagbabago ay nakasalalay sa mga tunay na titindig, makikipaglaban at maglalaan ng oras para bumoto.
Huwag tayong makuntento sa KATANUNGAN na “May pag-asa pa nga ba?”
We can change the narrative.
Let us make a STATEMENT.
Gawin natin itong isang panata.
Isang pangako.
Isang deklarasyon.
“MAY PAG-ASA!”
Credits to:
(CAC4GG) Crusade Against Corruption and Good Governance
iMPACT Leadership