r/Tagalog • u/Rakiasugoi • 6h ago
Vocabulary/Terminology Tagalog Appetite Loss Types
13
Upvotes
Gumagamit din ba kayo ng mga salita sa kung ano ang pakiramdam niyo tuwing natatamilmil kayo o ang sinasabi niyo na lang ay “Ayoko na”?
Sawa = pagkatamilmil dahil maya-maya o araw-araw kinakain ang isang pagkain.
Umay = pagkatamilmil dahil sa tindi ng lasa tulad ng taba, mantika, tamis, umami atbp.
Suya = pagkatamilmil dahil sa kabusugan at ang pag-iisip na sumubo uli ay nakasusuka.
Sunok = pagkatamilmil dahil sa lasa ng isang pagkain at ang maamoy lang ito ay tila nalalasahan mo rin na nagdulot ng pagkaalibadbad.
Iniisip ko rin kung may bukod ba na salita kapagka natatamilmil ka dahil sa sakit.