r/ShopeePH • u/Percentage-Extra • Dec 13 '25
SPAY/SLOAN VERY WRONG
Naikwento lang sakin ng pinsan ko na yung pinsan niya nag cashout lahat ng sloan niya amounting 40K+ then umorder ng mga pyesa ng motor, ganun din ginawa niya sa spaylater. Sabi niya umabot din ng 100K in total ung items. Then once na received na ung item inuninstall niya yung shopee and inalis na rin yung sim. Nagulat talaga ako sa kwento niya kasi grabeng panglalamang naman yung ganun. Paano mahahabol ni shopee yung nga ganitong scenario?
Naiinis talaga ako sa mga taong tinatakbuhan ang mga utang. Ako kakabayad ko lng ng 30K+ na spaylater although lumampas sa due date at nagkaroon ng penalty pero pinilit ko talagang bayaran.
395
u/wittybros Dec 13 '25
May KYC naman sa shopee before ka nila i-approve ng SLOAN and SPAYLATER.
Meron sin silang addresses kung saan dinideliver mga parcel mo.
Shopee has all your information. Name, Bday, Address, Picture of your IDs
Kahit mag uninstall ng app, mahahabol ka pa din ng shopee sa field visits or masisira credit score/credit recods mo.
38
u/pudgewaters Dec 13 '25
Nagpapasa na ba shopee ng records sa TU? Last time na nagcheck ako wala naman records dun ng spaylater.
60
u/Majestic_Ad3082 Dec 13 '25
Yes they do. Lumabas sa pre-employment screening ng colleague ko yung utang niya sa spay via TU
17
u/Marimoooooooooooo Dec 13 '25
Legit pala to? Pinakikialaman din ng employer?
39
u/ArgumentTechnical724 Dec 13 '25 edited Dec 13 '25
Depende sa pag-aaplyan—mostly finance related work yung may strict financial background check (banking, accounting, BPO financial account, etc.).
4
u/romella_k Dec 14 '25
Galing galing mag apply sa finance field tapos may tinakbuhang utang hahahaha
3
u/Majestic_Ad3082 Dec 14 '25
Actually yung sa colleague ko hindi naman tinakbuhang utang, nadelay lang ng payment sa SPaylater pero lumabas pa rin sa Credit Check.
1
1
u/whiterabbit2775 Dec 15 '25
what is TU?
1
u/ArgumentTechnical724 Dec 15 '25
TransUnion, credit checking din same with CIBI, pero mga banks yung scope nila.
5
7
u/ArgumentTechnical724 Dec 13 '25
Nope. CIBI sila.
3
u/snowhepburn Dec 13 '25
I am sorry, what does CIBI means?
13
u/ArgumentTechnical724 Dec 13 '25 edited Dec 13 '25
Credit Investigation Bureau, Inc. (present CIBI Information, Inc.)
2
14
u/cagemyelephant_ Dec 13 '25
Not only that. when you do the KYC they ask for your location info kaya bawal naka off ang location services. They store that info as part of your profile
13
u/Asleep-Comparison348 Dec 13 '25 edited Dec 13 '25
This ☝️☝️ NAL Hawak ni shoppee ang personal info nya kaya if mapatunayan na intentional nya ginawa ang mga transaksyon na yan with intention na takbuhan, estafa yan or baka (nde na sa small claims kasi above 100K) at diretso na sa korte. Malamang sa malamang na mako-convict sya so in addition sa need nyang bayaran yung amount ng mga items na kinuha nya malamang na may exemplary damages pa at attorney's fee na need nya din bayaran.
Edit: mukhang mas tama yung comment na pasok ito sa fraud (at nde estafa) as I commented above
3
u/omg_maxwell Dec 13 '25
Pasok pa rin sa small claims since less than 1M ang total claim (as per the latest rules on small claims).
1
130
u/raegartargaryen17 Dec 13 '25
before you can even have an Spaylater/Sloan may requirements silang inaask. Di ata alam ng pinsan mo na nagvivisit sila. Sobrang laking tulong pa man din ng Spaylater lalo na sa mga essentials ko. I can pay them 3 mos 0%
-36
u/Asleep-Comparison348 Dec 13 '25
Depende siguro sa shoppee record mo. I'm a platinum user and I applied on a weekend (Saturday afternoon yata) then Monday approved na ang Sloan ko. I was at home the whole day ng Sunday and wala naman nag visit/nag CI sa akin sa haus. Baka nagbi-visit sila if wala kang credit history.
25
u/raegartargaryen17 Dec 13 '25
Ano po pinagsasabi nyo? Ang sinasabi kong home visit eh if hindi ka nagbabayad. Alam nila address mo kaya if nakamiss ka ng bayad ng ilang buwan itatapon ka nila sa collection Agency at sila ang nag seset ng home visit.
-26
u/Asleep-Comparison348 Dec 13 '25
Ahh.. Sorry mali ang pagkakaintindi ko sa sinabi mo na pag visit kasi idinugtong mo sa application ng spaylater/Sloan.. ✌️✌️
8
60
u/kayeros Dec 13 '25
Kaya mag ingat sa mga nanghihingi ng ID as requirements, baka mabiktima ng identity theft. Pwde nila gamitin pag open ng mga accounts at mangutang, magnakaw. Daming pwdeng gawin.
51
u/asfghjaned Dec 13 '25
Mababawian naman sya. Magkakaroon sya ng bad credit score and that may also affect him in the future.
18
3
u/FirstLadyJane14 Dec 14 '25
Wala namang pakinabang sa mga ganyang tao ang credit score. Di naman umaasenso yung ganyan, so never yan maglelegit na business or bibili ng bahay, kaya never mangangailangan ng loan. They maintain loser utangero/magnanakaw status until they die.
52
u/someonedepressed66 Dec 13 '25 edited Dec 13 '25
One way to ruin your future. Pero usually ganyan naman talaga ang squammy mindset
4
31
27
u/Inner-Photograph7224 Dec 13 '25
No wonder walang pag unlad ang Pinas. Nanlalamang pati gobyerno at mamamayan nito pare-parehas lang
20
43
u/NefarioxKing Dec 13 '25
walang nakukulong sa utang, yes totoo yan. Pero pag yan natunugan ni shoppee, tatag nila yan as FRAUD or FIRST PARTY FRAUD. yan ung may kulong.
9
3
u/PakinangnaPusa Dec 13 '25
Good Luck talaga sa katangahan niya kala ata may lusot di niya alam magkakarecord yan siya lalabas sa NBI MABIGAT PA NAMAN NA KASO YANG FRAUDULENT
18
u/notneps Dec 13 '25
Sabihin mo sa kanya i-uninstall niya na rin Meralco app para free electricity, tapos i-block niya rin yung domain ng BIR website sa router nila, para di na niya kailangan magbayad ng buwis.
1
12
u/DueReflection6880 Dec 13 '25
Good luck sa pag-apply ng future loans, baka magmakaawa pa sya sa SSS o PAGIBIG pag dumating yung time na kailangan nya.
16
u/Crymerivers1993 Dec 13 '25
Baka nakalimutan nya nag verify send id at selfie sya bago ma approve ng spaylater haha ano akala nya thank you na yun? Napakabugok nya kamo
8
u/Confident-Dog9761 Dec 13 '25
Magkaroon kaya sila hit sa NBI?
13
18
u/ArgumentTechnical724 Dec 13 '25
Nope. Civil siya not criminal case, hence na walang nakukulong sa utang per Art. III, Sec. 20 1987 Constitution. Hanggang spam messages, calls, emails and HVs lang kaya nila.
13
6
5
8
4
u/Unusual_Minimum2165 Dec 13 '25
Wala utak nasa bayag. Akala ata laro laro lang ang pag utang. Tangina ng ganyang tao.
4
u/Plane-Ad5243 Dec 13 '25
Mapapasa na sa debt collector ang loan niya and sila na bahala mang buliglig sa nangutang. Minsan nagbabahay bahay yan sila.
4
u/PakinangnaPusa Dec 13 '25
Good luck sa pinsan mo may field visit yang mga yan it's either sa bahay niya siya puntahan or sa employment niya Di rin yan siya aaprobahan sa other financing company since may CIC tayo lahat ng utang mo dun nakikita.
2
u/Elegant_Strike8581 Dec 13 '25
Sakaling magkabahay ka at magka ari-arian in the near future, tapos naglabas ng writ of execution sa korte with regards sa small claim court. Bye-bye ari-arian nalang
2
u/pussyeater609 Dec 13 '25
Upgrade ng motor gusto pero bayad ng loan ayaw? Pustahan basura concept yung pyesa na inorder non na sisibak daw ng big bike HAHAHA
2
2
u/PLDT_0885671215 Dec 13 '25
kaya yung ibang legit na naglo-loan nadadamay at naghihigpitan tuloy. may impact yan sa mga future barrower
2
2
2
u/Ill_Writer1985 Dec 14 '25
Mas magiging komplikado yan kung may identity theft pang nangyari. Example, ikaw na walang kamalay malay bigla ka nalang magkaka-kaso. Damn
2
u/romella_k Dec 14 '25
100k na nakaw na pyesa tapos kamote rider pa hambog pa yan sa mga katropa nya may mga bago syang toys hahaha
2
u/peachels Dec 14 '25
I hear this a lot, na tinatakasan ung sloan or spaylater, but I haven't seen anyone suffer from the consequences. Can anyone share if they know any?
2
u/kd_malone Dec 14 '25
Temporary peace of mind over settling your debt. Funny how people try to avoid the law. Estafa will be filed against him. It is intentional fraud to hide your identity and never intend to pay.
2
u/Tianwen2023 Dec 14 '25
They are the reason bakit malaki magtubo mga loan companies dito kasi sa interest binabawi sa mga losses from ganyan na tumakbo.
2
u/Howdy_Cheeks Dec 15 '25
Dba may info at id na binibigay para ma activate ung spay 😂 gudluck nalang kapag bigla nalang may bumisita.
3
u/Delicious_Pie933 Dec 13 '25
Wala nmn sia takas jn ee, kasi hawak ni Shopee details, biometrics, facial verification, Identification nia. ipapasa lng nila yn sa collection agencies tapos pag di makontak yung mismong may utang, ang kukulitin nila is yung family, relatives mga kakilala, GF, BF mga kakilala mo. ipapahiya ka sa social media and all sorts of ways. masingil ka lng labas na si Shopee dun once na ipasa sia sa collection agencies. at alam nmn natin galawan ng mga yan below the belt gang ikaw na mismo magpumilt magbayad dahil sa kahihiyan.
1
u/Kompyuter1111 Dec 13 '25
Ayan mas maganda yan... sana totoo yang sinasabi mo na ganyan ka strict ang mga collection agencies, papahiyain ka sa social media at pamilya mo, kasi I am very sure magbabayad talaga yan... 😯
2
u/Delicious_Pie933 Dec 13 '25
nabalita na yan sa KMJS ganyan talaga kagarapal mga collection agencies, yung iba nga pinapafalhan pa ng bulaklak at kabaong COD sa address ng may utang. asi n below the belt talaga. you can check nmn sa youtube to verify yung documentary about jn. totoong nangyayari yn. kaya malakas din loob ng mga online platforms kasi pag hawak na nila verified details biometrics, facial verification, Identification. gagaamitin nila yun against sa ayaw mo at sa gusto.
2
u/Minute_Landscape7046 Dec 13 '25
How tho? I don't think someone who's that financially illiterate can have that high amount of limit.
1
1
u/JollyInternet7589 Dec 13 '25
may group mga yan.. mga financing. once na bad credit ka. di kna makakakuha sa iba kasi may record kana sa knila.
1
u/IJstDntKnwShtAnymore Dec 13 '25
Parang r/wsb lang ah. Uninstall kuno ng Robinhood pag malaki na ang talo. hahahahahahahahahahaha
1
u/Poor_Cat99 Dec 13 '25
- Kokontakin nila yung emergency contact na nilagay mo
- Kakasuhan ka at pag may kaso na padadalhan ka na ng letter sa bahay
- If ever ipasa ito sa 3rd party collection agency, mas matindi maningil yung mga yon, hanapin ka talaga sa barangay at puntahan sa bahay
1
1
1
u/waitwotidk Dec 13 '25
huh? di ba kailangan magsubmit ng ID kung magopen ng spaylater at sloan? plus, yung mga details sa shopee, like address and number.
like - i really dont see how they'll ever run away from that, baka makasuhan pa O.o
1
1
u/itsacsrthings Dec 13 '25
Mabilis mangutang mabilis din tumakbo HAHHAHAH haist nakakaawa talaga pagwalang financial literacy
1
u/char1ies_angle Dec 14 '25
Ganyan ka pala sa iba shopee huh. Kita mo tong shopee na to tapos ako laging denied ang application😡😡pero sana triple balik ng malas sa mga ganyang tao
1
1
u/Traditional_Lynx6407 Dec 14 '25
Mapan lamang Hindi ka sasaya sa gawain ganyan, apektado ang credit score, in the future wala magpapautang pa sayo..KUPAL!
1
1
1
1
u/ThoughtsRunWild Dec 14 '25
Kala nila credit card lang to pero in return nakakuha ka ng item nakaw na siya hahaha.
1
1
1
u/Unable_Resolve7338 Dec 14 '25
Kung sa probinsya lang naman siya most likely walang maghahabol, magkaka record siya pero kung di naman siya magtatrabaho sa city at mangangailangan ng mga documents wala nang bearing yung tinakasan nyang utang.
1
1
u/anjeu67 Dec 14 '25
It will affect his credit score. Nagsu-submit si Shopee at least sa CIBI and pwede siyang mahirapan mag-loan or kumuha ng credit card. Pinapaliit lang niya mundo niya.
1
1
u/RichMathematician600 Dec 15 '25
All I can say is good luck to his credit score.
mahihirapan na yan siya in the future
1
u/novyrose Dec 17 '25
Fun fact: Hindi ba nagbabayad si pinsan? Walang paki-alam si shopee. Ibinenta na ni shopee sa mga loan collectors ang account ni pinsan. Ang mga loan collectors, hindi sila kikita hanggang hindi nasisingil si pinsan mo. Nagmatigas ba si pinsan? Hahahahha. Wala siyang laban sa sa mga PROFESSIONAL NA KOLEKTOR NG UTANG.
1
u/ipot_04 Dec 17 '25
Panigurado ako na maghahanap yan ng tips/advice in the future.
Akala mo kung sinong secret agent na ang tali-talino. hahahaha
0
u/asianpotato95 Dec 16 '25
I’m not condoning this but Shopee itself and lending apps are predatory and operates like a loan shark kaya meh.
-2


497
u/Interesting-Bank-447 Dec 13 '25 edited Dec 13 '25
Ang hina ng pag iisip. Akala niya talaga sa pag uninstall ng shopee at remove ng sim hindi siya mahahanap?